Sunday, November 04, 2007

SemBreak ender gone bad.

Sabi nga naman ni Karen na magpost na ako. Heto na. Kaso di to masayang post. Maglalabas ako ng sama ng loob; uutot ako. Di, joke lang. Kita niyo, kahit may problema nagpapatawa pa 'ko. Kakaiba.

Hmm... Dati kasi si * nagkaron ng boyfriend. Catholic. Wala naman akong grudge sa mga Katoliko, pero kasi ang turo sa church namin ay dapat ang partner in life mo ay Born Again Christian din. totoo naman. kasi kung magkaiba nga kayo ng religion, may mga misunderstanding. anyway, pagkatapos ng ilang taon, nagbreak rin sila. nung sila pa, ayos kami nung lalaki. nung bandang huli, nagiging ayaw ko na siya. ang dami nilang away. totoo nga talaga ang 'away-bati' relationship. lagi sumisigaw si * sa telepono pag nagaaway. pag ka break nila, naging mejo bitter si *. mahigit kalahating taon sila nag hiwalay...at ngayon, bumabalik ang lalaki. si * ay nagkaron ng maraming dates, ewan ko kung ano nangyari. kwento siya ng kwento sakin, naging masaya talaga siya nung single siya. ayun nga...nagbabalik ang lalaki. last week lang nung nagkwentuhan kami ni * at sinasabi niya sakin na nagbabalik nga daw. sabi ko kung ano feeling niya, parang wala daw siya ginagawa. parang may kulang daw. iniisip niya daw kung sasalubungin niya ang nagbabalik na lalaki dahil catholic nga siya. agree ako dun. parang naisip ko, ito na siguro ang chance para naman christian na talaga ang maging karelasyon niya. kagabi lang rin nagusap ulit kami. ito pa rin ang sinasabi niya. sinabi pa nga niya sa lalaki na wag na daw sila magkita. mali daw. mas mahihirapan ang lalaki.

kanina lang ay nagpababa siya sa may lrt para makipagkita sa kaibigan niya.

pagkauwi...kasama niya ang lalaki. BWISET. ano ba?!?! akala ko ba hindi na!??!? mas nainis ako nang makita kong pasweet sweet nanaman sila. magkadikit, magkaakbay, magkahold ng hands, magkahug. sabi ko, * halika...dito. nagusap kami. ayoko na sabihin kung ano lang pinagusapan namin. mamaya maya, humiga na lang ako. kunwari matutulog...nagsasalita pa rin siya. siguro iniisip niya na nagtetengang kawali na lang ako para matapos na. ganun kasi siya, pag nagsimula, wala nang tigil. ayun nga, humiga na lang ako. nakapikit...pag labas niya...siguro 3 seconds after...tumulo na lang talaga luha ko. yung tipong wala akong tunog na umiiyak, tumutulo lang yung luha ko. drama no? naisip ko rin.

hindi ko na maintindihan nararamdaman ko. parang naiinis, nagagalit, nabbwiset, naguguluhan, EWAN.

bahala na.

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]