Tuesday, June 05, 2007

2 iced teas for me!

Kahapon pumunta kaming Cubao. Namili ng damnit etc. Nung tapos na kami, pumunta kaming Chowking para kumain ng Halo-halo. Sabi ni Mader dear na maghanap na ng upuan. Nakahanap ako ng upuan sa may dulu-duluhan. Malapit na sa door. Habang naghihintay sa aking Mader, nagtawag ako ng busboy para linisin ang mga natitirang mga pagkain at mga plato sa table. Ang dumi nung table. Sabi naman ni busboy na sige daw, may idadala lang siyang mga inumin sa isang customer. At sinong magaakalang di na niya madadala ang 4 na inuming yun dahil nabuhus lahat sa akin? Yes you heard it right. Nabuhusan ako ng 4 na drinks. Sabay nito ang malutong na pagsabi ng mura. Alam mo na yan![101.9?wahaha] Habang nararamdaman kong sinisipsip na ng pantalon ko ang halo-halong inumin na iced tea, coke, etc, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang bilis ng pangyayari. Sabi pa ng busboy, "2 iced tea sayo.[sinasabi sa sarili] _. _.!!!Naku pano ko to mapapalitan?" Di ko alam kung yun talaga ang sinabi niya, kasi naman natataranta na ko sa kung anong gagawin ko. Grabe ang daming nakatingin. Tila minamasadan nila kung anong sasabihin ko sa clumsy na busboy. Di ko naman siya natisod, di rin naman siya tumaob. Natapon lang talaga sakin. Sinubukan kong ayusin sarili ko ngunit basang basa na talaga ako. Sinabi ko na lang "Anung palitan yang iced tea?! Ang dali dali lang palitan yan e! Pano ako?!?!" Buti na lang at nandyan na ang manager. Pahiya ka boy! Natagalan ang pagdating ng Mader ko. Pagdating ni Mader, nagulat siya siyempre. And the scary side of Mommah emerged. DUN DUN DUN DUUUUUN. kaboom. Tapos may nagwalk up sa Mom ko sabi niya magreklamo kami. Edi nagreklamo kami, tas taray attack si Mader. Sabi nila dun muna kami sa may maliit na room na ewan, pero sabi ni Mader, in a taray attack voice, "kaya nga kami dito umupo kasi mainit jan e!" So napilitan nanaman silang buksan yung nasa taas at buksan ang aircon. O diba may benefit talaga ang pagtataray ni Mader. Solo kasi namin yung buong floor. :)) Pero bago kami umakyat, umiyak ako. Grabe kaya! Hanggang undies ko. @_@ T_T Tas nakastare sakin lahat. At dun sa pahiyang busboy. >.< Sabi rin ng Manager na papalitan na lang nila yung pants ko. So ayun pinabili nila yung guy. Nung nasa taas nag clean up na ako. Kahit sticky feeling. Ugggh. Tas pagdating ng guy...Tanananaaaaaa! LEVI'S JEANS! Sabi ko tuloy sa sarili ko "wow tindi mo pare Levi's pa. :))" Hwahahahahahahahaha. I got a new pair of Levi's jeans!:)) Blessing in disguise! =)) Thank you Lord!:))

Hay grabe. Tawa lang kami ng tawa nung pauwi na. Dapat pala gawin ko to palagi. Baka sakali bigyan naman ako ng celfone kung sakaling mabasa nila phone ko. =))

Well, I just thank God for giving me a new pair of jeans in exchange of 4 different drinks poured onto me, the sticky feeling, at ang feeling na napahiya [in some sort of way:)) . ok lang, mas napahiya naman yung busboy. =))]

Hahahaha. Laughtrip. :)

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]