Sunday, June 12, 2005

tsinelas

yeeha! may havaianas na akellish! lime at pink! ang cuuuuuute! wahaha:)

uki, ito ginawa ko simula kagabi.

kagabi, kumain kami ng hapunan kasama si kuya mikko. buong pamilya at si kuya mikko:) ito yung celebration ko para sa kaarawan ko. kasi nung kaarawan ko, wala sila ate nina at ate nadine. e ayoko na mag party. gagastos lang. mahirap na makakuha ng pera. iniwi, dapat kami bibili ng cake ko. si kuya mikko na lang daw:P hehe. may note pa nga e. hehe binili niya yung fave kong keyk! *shempre tagalog to kaya kailangan keyk. haha* binili niya yung COFFEE CRUNCH!!! yehey!

edi dumating na sila ate, kasama ni ate nina sa kuya mikko pumunta ng bahay. pagdating nila, nakita ko si ate nina naka salamin na! para lang daw yun makorek ang kanyang paningin. nung pumasok na sila, may mga pasalubong si ate:) basta. di ko na sasabihin yung pasalubong:P

edi kumain na kami, tapos kumain na ng keyk. pagkatapos kumain, nanood ng tv. tapos umuwi na si kuya mikko. madami pa akong ginawa. basta. nung mga 12:20 dito, tumawag si auntie vicky! kinausap ko, sabi niya padalan ko siya ng pikchur ng sapatos. tapos sabi niya nbili na niya daw yung slippers sa GAP!!YEHEY! tapos yung gusto ko pa sa Old Navy, at nagpapabili ako ng mga aritos sa Claires. yehey yehey. ayus. pagkatapos kausapin, natulog na ako. pinipilit ko ang sarili ko matulog, pero ayaw talaga e. ang dami ko kasing nakain na asukal dahil sa keyk. e ang lalaki nung kendi nung keyk, e shempre akin yun, kaya madami din nakain ko. ang hyper ko nun. tapos nakatulog naman ako nang mga ala uno. tapos nung mga alas sinko, si sparkee, yung aso namin, kinakalmot niya yung kahoy na parte ng kulungan niya. gusto niya kasi lumabas. e antok na antok ako nun, kaya kinailangan ko pa sumigaw. sumitsit pala. edi tumigil siya, pagkatapos ng 2 oras, ginising na ako dahil pupunta na nang simbahan. naligo na ako, nagtutbras, angbihis, naghugas ng muka gamit ang ponds, at chuvanes. pumunta na ng church, at bumili ako ng pagkain sa jollibee. nagusap kami ni ate carissa, at chenes. dumating si bella, at pumasok na kami, ang dami pang nangyari nakakatamad lang isulat. hahaha. tapos pumunta kaming glorietta, kumain, nagikot, dapat nanood ng sine pero hindi. ;c tapos basta pagkatapos mag glorietta, sabi ni ate nadine bibilan niya ako ng regalo. kaya binilan niya ako ng havaianas! yehey! yung pink at lime. basta maganda. wala siyang design basta makulay lang.

o basta, mamaya na ako mag susulat. o baka bukas na. o sha sha, hanggang sa mui, PAALAM!!!

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]