Thursday, June 09, 2005

tralalala

hiwahiwalay na ang wicked, grupo nila hannah, grupo namin. tapos bawal pa magpalipat. hayyy...buti na lang mas madaming mga babae sa klase namin kay sa sa 2 A. mas madami lalaki sa kanila e. pero kaklase ko pa rin si _________! hayyy...panira.

tapos ngayong taon, lahat ng mga paaralan maaga naguumpisa. dati rati naguumpisa kami ng 18 o 19 ng Hunyo. nung nakaraan nga na taon 23 ng Hunyo kami nagsimula. e nagyon?! sa tartin na! naman e.

tawagin mo na akong baduy/jologs pero sabi na sabik na ako mag pasokan. ang labo ko no?! patawarin niyo na nga pala ako na di naka post nang sobrang tagal. iniwi, gusto ko na gamitin mga libro ko, gusto ko na ubusin ang tinta na bolpen ko sa papel. gusto ko na sulatan ang mga notebooks ko. ibang klase na talaga ako. dati rati ayaw kong pumasok. ngayon gustong gusto ko na. siguro ay dahil wala na si ______. ANG PAMBANSANG KAMBING! hahaha mga memoryas ng pers yir ey.

miss ko na sila mariel, kitkat, anj, pat, ches! nakakamiss na ang mga kalokohan namin. lalo na ngayong taon na wala na si anj. hayy. saint paul na siya. owill.

cge..kakain na kami ng hapunan..NANG ALAS SAIS NG GABI! haha! ang aga! o basta, bukas magpopost na ulit ako...

hanggang sa muli, PAALAM!

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]