Saturday, May 21, 2005

nagpagdesisyonan ko na.

oo. napagdesisyonan ko na. magtatagalog na ako simula ngayon. napapagod na ako sa ingles.

mayroon na din akong blog posting chuchoryals! san ka pa? cheacher pranchis "bagets" borja ang cheacher ko. san ka pa? paborito ko na rin ngayon ang kanyang blog. kahit puro mura. hehe. mas matanda na kasi siya sa akin. kaya i-expect niyo na na may mura nga. di bale. di naman mahal e.

heto ang URL ng blog niya. www.borjy.blogspot.com masarap basahin. at siguradong matatawa ka. di bale may mura, di mo naman ata gagayahin diba? tignan niyo na din ang blog ng kaibigan niya, si chona mae banaag. het ang URL. www.chona.blogspot.com katawataw din ang blog niya. may PAGKA barok. pero ayos lang. matatawa ka naman. di ka rin naman mahahawa sa kabarokan niya diba?

napanuod niyo na ba ang KINGDOM OF HEAVEN? kung hindi pa, maganda siya! madugong pelikula, pero ang galing ng epeks. at ang gwapo din ni Orlando Bloom. mas masaya panuorin ito sa Eastwood. heto ang "thoughts" ko sa pelikula.


• madugo siya na pelikula. parang LOTR. puro awaya, "wars", saksakan, panaan, tapunan ng mga bolang gawa sa apoy. kung ako nandiri, siyempre kayo din. kasi malamang, saksakan nga e. pati nga nanay ko nandiri.

• para din siyang Joan Of Arc.

• ang GWAPO TALAGA ni Orlan! (orlando bloom) hot fafa! --oo, closed kami ni orlando bloom.

• tignan niyo din si Sibylla o si Eva Green sa totoong buhay. maganda siyang babae. para siyang si Ms. Tery. misteryosa nga siya.

• bastat panuorin niyo na lamang. itoy talaga nakakaaliw!

--magbalik tayo sa cheacher kong si, pranchis "bagets" borja. alam niyo bang painter din siya? magaling siyang pintor! pwedeng national artist! ang gaganda talaga ng kanyang paskil. magaling, magaling. heto, papakita ko sa inyo ang ibang mga kagawaan niya.

"an-an"

"tinta ng nagtataeng panda ballpen sa papel."

ipagpatawad ninyo ako, dahil di ko mailagay dito ang isa niyang "work of arts". itoy dahil mejo bastos ang ibigsabihin. ipagpatawad niyo po ako.

si cheacher pranchis ay magaling din na manunulat! maaliw ka talaga sa mga kanyang posts. nagaral siya ng kolehiyo sa UP. kaya ko siya nakilala dahil sa ate ko. si ate nina. the kapatid ko si ate nina. naging kaibigan niya si cheacher pranchis sa UP. isa siya sa mga closed friends ni ate. kaya ko din nakilala si chona mae banaag dahil kay cheacher. bastat basahin niyo na lang ang blog nila! ukis?

hanggang dito na lamang!

PAALAM!!

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]