Friday, April 25, 2008

MOVING OUT.

DECIDED TO MOVE OUT. SEE YA'LL.

venting out.

halo halo mga pinagsasabi ko dito. sorry naman. kelangan ko lang talaga ilabas.

i feel so tired. emotionally tired. ang dami na talagang nangyayari ngayon. di ko maexplain. tagal ko na sinusuot tong mask na to na may :D na face. nabubulok na muka ko sa loob. ngayon, madalas na ako nag-eemo. hindi yung stereotype na emo. nag-eemo as in nagiisip ng malalim...tas mageend up na umiiyak. napapagod na ako. gusto ko ng pahinga. hindi naman to physically. pwede naman idaan sa tulog ang pagod e. yung pagod na nararamdaman ko kakaiba e.

kelangan ko na talaga ng deeper relationship kay God. sa tingin ko nagbabackslide ako. ano ba yan. ako pa nagbabackslide. e ako nga inaasahan na maging role model.

nape-pressure na ako. summer na, di pa ako enrolled sa isang kolehiyo. halos lahat na ng kakilala ko enrolled na. ako na lang ata hindi. sa UP pa yung gusto kong course talaga. visual communication ng fine arts. e ang hirap nung test e. ang hirap talaga. tapos yung UST, pasado nga pre-commerce. e di naman ako interesado dun e. fall back lang. kumbaga, sapilitan kung mapasok ako dun. sa FEU naman, mas interesado ako. pero ayaw ng mga magulang ko. at yung isa na nagpapasaya sakin, akala ko kung dun man ako, magiging classmates ko pa friends ko. hindi pala. mahuhuli kasi ako mag enroll. tska full blooded UP talaga mga magulang ko. proud na proud. pressure.

hindi pala madali magkaroon ng isang relationship na seryoso. isa na to sa mga desisyon kong nagawa na masaya talaga ako. isa na to sa mga pinaghuhugutan ko ng lakas at kasiyahan. kahit alam kong bitter-sweet lang to, somehow naiisip kong ang perpekto na. di nga talaga madali. ang labo ng feeling minsan. minsan naiisip mong dagdag pressure lang. pero masaya e. pero mas nangingibabaw talaga ang kasiyahan mo sa kalagayan mo dun.

bakit ganun ang tao? pag may problema at nag share, pabigatan pa ang sinasabi. parang ganito..

qwerty: pare, grabe. blah blah blah.
yuipo: e hello. wala pa yan sa problema ko. ganito ganyan akin e.
asdf: ano ka ba. ang babaw ng mga problema niyo. ako nga blah blah e.

yung ganyan.

ano ba meron sa inyo? bakit nagpapa-awa pa kayo? bakit kayo pa-bigatan ng problema? bakit di niyo na lang tulungan yung isat isa na makaangat?

kahit anong sabihin niyo, mababaw man yan o malalim, na-apektuhan pa rin kayo. nasaktan pa din kayo. wag niyo nang timbangin pa. nangyari na e. wag na kayo magpatalbugan ng mga punch lines. ano ba talaga pakay niyo pag nagkkwento ng problema? mag labas ng emotion na kinikimkim mo sa sarili mo, o magpaawa sa kausap mo? umayos ka nga.

ang gulo ng post na to. sorry. gusto ko lang talaga mag vent out ngayon.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]