Thursday, January 26, 2006

no goodbyes

SCOURGE WON IN VOLLEYBALL!!! ang galeng. ang saya ko pagkauwi, tapos ibinalita na nasa Heaven na daddy ni Ronel. =( buti na lang tinanggap niya si Lord before he said goodnight...thats alright 'Nel. im still here...no matter what. lover you...

elocution na bukas!! KAKAILANGANIN KO ANG MGA PANALANGIN NINYO!! salamat!

Saturday, January 21, 2006

smash out

bagay talaga ang pangalan ng blog ko sa araw na to. SMASHED DISCO BALL.

smashed kasi sira tong araw na to. hay nako. e pang gising ba naman sayo ay "tan ikaw magsasaing ng bigas ha. at linisin mo ang banyo." WOWOWEE. ang saya. GOOD MORNING PILIPINAS! good morning kalan, good morning bigas, tubig at apoy! ay oo nga pala, before i forget, GOOD MORNING TOILET BOWL! grabe i love it. i love seeing pooperdooper sa toilet and wheywhey...and to top it all of, it ang pinang gising sayo, at ikaw ang gagawa. WHOOOH! saya.

pagka gising, nood ng tibi. chillaaaaax. inayos yung kama, kumain, NAGLINIS, kumain, NAGLINIS, tinry mag connect pero ayaw. naligo, churba. nagalit kay big brother at nagkayusan kay big sister part 2. big sister part 1 is ate nina [mas matanda, panganay] big sister part 2 is ate nadine [pangatlo, at yun lang.]dumating ang "mga renta" or 'rents kung sa amerikano.

nanood ako ng tibi, at kinausap ako ng big father. kapag kinakausap niya daw ako, parang galit daw ako o naiinis. hindi naman totoo e..tinawag ako ni big mother pinagalitan dahil di ko daw nilabas yung karne na lulutuin ngayon. tinry ,mag connect wala pa rin. tinanong si big father, inarapan naman ako. tinawag ako ni big mother , pinagalitan nanaman kasi daw hindi malinis yung lababo. 'ba naman. sabadong sabado, ang pangit pangit ng araw ko. [do da move] WOWOWEE. buti bumait na si big father, at tinulungan ako. na connect na. tinawag ako. pagka gamit ko, naghang. nirestart ko. ayaw mag boot. [do da move] WOWOWEE. inayos, nilipat ang modem sa penchum wan na kompyut na kasalukuyan na ginagamit ko. [do da move, pero mas mahaba na sasabihin ang word.] WOWOWEEEEEEEEEEEEEEEEE. yan . aba, dapat ginagawa mo talaga tong wowowee. masaya siya. nakakarelax.

katitilaok lang ng manok, na tila sinasabi na "hoy bilisan mo jan, magmememoryz ka pa ng piyesa." [do da move] WOWOWEE. [o diba nakakarelax?] wow. -wowee nakakaintindi pala ako ng manok. ang sayaaaaa.

panira talaga to.

miss ko na si josh. umalis sila ng tuesday ng gabi. pinigilan ko umiyak. ayaw ko umiyak. pero gusto ko sumigaw. basag na puso ko. nawala na nga ang bestfriend kong si aira, si JOSHUA pa. unang bestfriend ko si joshua na lalaki. bakit siya pa tong umalis?last last sunday, umalis kami at pumunta sila ng bahay. last saturday may party sa kanila at dun ako natulog, last sunday, nag church kami, umiyak, at hinug ko silang lahat. si grace si elisha at lalo na si josh. kumain sa labas, nanood ng sine, at naglakwacha. nung monday, pumunta ako sa kanila at nagbonding for the last time. inimbita nila ako pumunta ng celeb kasi last night na nila. kumain kami at naglaro. umuwi kami at nagstay sila, at naghug uli kami ni josh elisha at grace. burday ni grace nung 19. mahal ko yun. [love you grace!!!] nung tuesday at wedenesday sirang sira talaga ang araw ko. hanggang nagyon. malungkot pa rin ako. si aira kasi sundays lang kami nagkikita. kami ni joshua parang everyday na.

hay...tulungan niyo akong pulutin ang mga basag na parts ng aking disco ball at muling buuin ito. salamat.

_wowowee_

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]